Una sa lahat, nais ko lang linawin, ang website na ito ay walang ano mang kinalaman sa "Pugad Baboy" series ni Pol Medina (maliban sa pagkakahawig namin sa paggamit ng salitang "baboy"). Wala ring kinalaman ang website na ito sa isyu ng katabaan o kapayatan ng tao, hayop, o ano mang bagay. Wala ring kinalaman ang web site na ito sa pagbebenta ng kahit anong produkto na nagpapaganda ng hugis. At, higit sa lahat, hindi ginawa ang website na ito para magtinda ng baboy o mangolekta ng kaning-baboy. Ang salitang "kanin-baboy" ay ginamit lamang upang ihambing sa mga bagay na itinuturing nating "tira-tira," "latak," at iba pang napagsawaan na. Hindi eksaktong kaning-baboy ang baybay ng pamagat upang, sa tingin ko, magkaroon naman ito ng sariling "identity" o maiba lang. Tulad ng kaning-baboy, ang mga bagay ay nagkakaroon lamang ng halaga sa mga nangangailangan nito. Sa kasong ito, ako yon. Kailangan ko ng materyal para sa website na ito.

'Di ba uso naman ang pagre-recycle ngayon?

 

contact me

Creative Commons License
This work is licensed under a Creative Commons Attribution 3.0 License