ayoko pala rito. babalik na lang ako sa main page

Pasasalamat:

Lahat naman tayo ay may kanya-kanyang inspirasyon sa ating mga ginagawa. Mga tao, bagay, lugar, at pangyayari na nagpapasaya. Minsan, kahit na nga 'yong nagpapaalala ng lungkot ay hindi maiwasang balik-balikan. Kahit na sa tuwing maiisip natin ang mga ito ay medyo naluluha tayo. Pero ngingiti rin maya-maya.

Sa lahat ng mga taong nagbigay sa akin ng kahit na anong klaseng inspirasyon -- alam man ninyo o hindi -- maraming salamat. Mahirap maglagay ng pangalan dahil tiyak na may mga makakalimutan akong baka magtampo. Isa pa, baka mapuno lang ng pangalan itong parte na ito ng aking website kung ipipilit na pagkasyahin kayong lahat.

Nakagawa ako ng mga kwento at tula hindi dahil mas marami akong alam o mas magaling akong sumulat; hindi dahil mas romantiko ako keysa iba; hindi dahil mas malungkot ako o mas masaya.

Nakagawa ako ng mga kwento at tula dahil natutunan kong mamulot ng mga tira-tirang karanasan. Mga karanasang hiram at 'yong aking sarili. Pinag-aralan ko na rin kung paano ito pagdikit-dikitin na parang mga retaso.

balik sa main page

Dedication Pasasalamat Maikling Intro Ang Pagbabalik Bungang-Tulog 2 Mga Tula Namin ni Kai Amag Ngitngit Kolorum Bitter-Sweet Delight Kanin Baboy Episode 1